Menu
arts & culture
 

Photo by Lyndon Montes

Pintigan: Makinig at Makiramdam

Photo by Lyndon Montes

“For indigenous communities, music is not a talent. Likas sa kanila iyan, bahagi iyan ng ginagawa nila araw-araw at bahagi ito ng kanilang skill set, pakikinig at pakikiramdam lamang ito, lahat maaaring tumugtog.” – Leo Emmanuel Castro

Ika-16 ng Nobyembre taong 2018, sa unang pagkakataon, narinig ng Ateneo Law School ang pintig ng katutubong tugtugin. Nagtipon sa ilalim ng mga bituin ang ilang mga mag-aaral at ang Ateneo Human Rights Center upang ipagdiwang ang sining at kultura sa pagtatapos ng “Linggo ng mga Katutubo 2018.”

Photo by Lyndon Montes

Lahat ay wala pang alam sa mga katutubong panugtog, ngunit handang makiramdam, makinig at maki-ambag ng kanilang sariling pintig. Sa bawat kumpas ni Kuya Leo, bilang maestro, unti-unting gumaganda ang musikang nabubuo ng magkakaibang tunog ng bawat instrumento.

“Libit”, “Bungkaka”, “Gabang”, “Kubing” “Kalutang” at “Tongatong”, iilan lamang ito sa mga panugtog na nagbibigay ng simpleng ingay, ngunit kapag ito’y pinagsama-sama, lumilikha ito ng kahanga-hangang tugtugin. Marahil ganito rin ang mga tao, may sariling pintig ngunit may kakayahang makalikha ng isang magandang musika kung hahayaan lamang nating marinig ang naiibang tunog ng bawat isa. IBA NGUNIT IISA.

Photo by Lyndon Montes

Isa’t kalahating oras na di malilimutang karanasan, saksi ang mga gusali ng lungsod ng Makati nang subukan ng mga mag-aaral na kilalanin ang sining na yumabong sa mga kabundukan at karagatan. Isang pagtitipong kumilala sa mga katutubo bilang ating mga kapwa-tao.

Bilang pagtatapos, ibinahagi ni Kuya Leo ang isang himig gamit ang kaniyang “Tongali” o nose flute mula Cordillera. Noong unang panahon, ginagamit ito ng mga katutubong Igorot upang tugtugan ang kanilang mga palayan para sa magandang ani. Walang pandinig ang mga halaman, ngunit ayon sa mga mananaliksik, may talab na soundwaves sa sihay o “cells” ng mga halaman. Alam kaya ito ng mga katutubo? Hindi ko alam.

Photo by Lyndon Montes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*